ONLINE REGISTRATION AT E-CERTIFICATE NG CFO OFCORS PINALAWIG PANG MULI!

Malungod naming pinapabatid na simula July 22, 2020, aming pinapalawig pang muli ang validity date ng lahat ng CFO e-certificates hanggang 31 Disyembre 2020. Patuloy pa rin maa-access ang online registration ng CFO sa pamamagitan n gaming OF-CORS System (Overseas Filipino-CFO Online Registration System).

Sa pamamagitan ng OF-CORS, ang mga kliyente ng CFO ay maaaring magpatala o magrehistro on-line at sila ay makakakuha ng isang pansamantalang Certificate na ipapakita sa Bureau of Immigration bilang kapalit ng permanenteng CFO Emigrant Registration Sticker kung hindi aabot na maipadala ang orihinal na dokumento sa araw ng pag-alis.

Nais naming ipaalala na simula pa noong Hunyo ng matapos ang ECQ sa Metro Manila, ang mga kliyente ng CFO na gumagamit ng OFCORS ay kailangan ng pag daanan ang kumpletong proseso mula rehistrayon hanggang pag babayad para sa orihinal na kopya ng mga CFO travel documents at courier service fees. Ang mga orihinal na dokumento ng CFO ay hindi na- expire at maaring gamitin permanente ng mga kliyente ng CFO.

Sa kasalukuyan, tanging ang mga Filipino emigrants na sponsored ng pamilya, at skilled migrant ng kumpanya at asawa o kapareha ng dayuhan o former Filipino citizen, ang maaring mag-rehistro o magpatala sa OF-CORS sa mga sumusunod na url o links na matatagpuan sa www.cfo.gov.ph.

Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) and Guidance and Counseling Program (GCP)

1. https://cfo.ph/Online_PDOS_Account_Creation-GCP/).
Para sa mga mag rerehistro para sa Guidance and Counseling Program (GCP) at mga dating dumalo sa GCP na mayroong On-Hold Status

 

2. https://cfo.ph/Online_PDOS_Account_Creation/
Para sa immigrant visa holders (emigrants) at sa mga Filipino Fiance(e)/Spouse/Partner of Foreign National/Former Filipino Citizen/Dual Citizen na may visa at CFO Guidance and Counseling Certificate (GCC)

 

Para sa nagnanais mag-print o reprint ng kanilang OF-CORS na mayroong validity date hanggang ika- 31 ng Disyembre 2020, mangyari lamang sundin ang mga sumusunod ng steps.

 

Para ma-reprint ang OF-CORS Certificate para sa Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) at Guidance and Counseling Program (GCP):

Step 1: Sa link na ito https://cfo.ph/Re-Print_Certificate/, I enter ang e-mail address na ginamit noon sa pag create ng account.

Step: Pag nakapasok sa link i-type ang reference number na nasa unang na issue na temporary certificate (red).

Step 3: Kung bayad na ng registration at courier service fees, bisitahin ang inyong e-mail account para sa 2nd issuance (o pag re-print) ng TC na naka attach sa iyong e-mail At may validity date na December 31,2020.

Kung hindi pa bayad, sa halip na makatanggap ng temporary certificate sa e-mail, may ipapadlang link na gagamitin upang ipagpatuloy ang proseso ng rehistrasyon at pagbabayad.

Ang mga walang valid e-mail na magamit sa OFCORS re-printing system ay nangangahulugan na hindi pa nakagagamit ng CFO-OFCORS. Para gamitin ang OFCORS, bisitahin ang aming website o ang mgsa url sa baba at sigurihing i-click ang tamang icon:

1. https://cfo.ph/Online_PDOS_Account_Creation-GCP/).

2. https://cfo.ph/Online_PDOS_Account_Creation/

Para sa kailangan ng tulong o paglilinaw, maaaring bumisita sa aming website: www.cfo.gov.ph o mag-iwan ng mensahe sa CFO FB page/messenger www.facebook.com/commissiononfilipinosoverseas o e-mial address miso@cfo.gov.ph