Ang Komisyon sa mga Pilipino sa Ibayong Dagat ay kaisa ng bayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2021 na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Lubos na kinikilala ng Komisyon ang mga programa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang maipalaganap sa higit na nakararaming mamamayan ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino, gayundin bilang pakikiisa sa 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (2021 QCP) na nakatuón sa mahahalagang pangyayari sa bansa sa nakalipas na 500 taón.

Ang pagdiriwang ay alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Bilang 1041, taong 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambasa tuwing Agosto 1-31.