Malugod naming pinapabatid na simula ika-30 ng Hunyo 2021, aming palalawigin pang muli ang validity date ng lahat ng CFO e-certificates o digital certificates hanggang 30 June 2022. Patuloy pa rin maa-access ang online registration ng CFO sa pamamagitan ng aming OF-CORS (Overseas Filipino-CFO Online Registration System).

Para sa nagnanais mag-print o reprint ng kanilang OF-CORS na mayroong validity date hanggang June 30, 2022, mangyari lamang sundin ang mga sumusunod na hakbang.

Para ma-reprint ang OF-CORS Certificate para sa Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) at Guidance and Counseling Program (GCP):

1. Pumunta sa link na https://cfo.ph/Re-Print_Certificate/ at i-type ang email address na ginamit noon sa pag-create ng account.
2. Pag nakapasok sa link, i-type ang reference number na nasa temporary certificate (red) na unang na-issue.
3. Kung nakabayad na sa registration at courier service fees, buksan ang inyong email account para sa 2nd issuance (o pagre-print) ng digital certificate na may validity date na hanggang June 30, 2022 na naka-attach sa inyong email.

 

Kung hindi pa nakakabayad, sa halip na makatanggap ng digital certificate sa email, may matatanggap na link na inyong gagamitin upang ipagpatuloy ang proseso ng pagrerehistro at pagbabayad. Kung walang valid na email address, ikaw ay hindi makagagamit ng OFCORS re-printing system.

Para sa kailangan ng tulong o paglilinaw, maaaring bumisita sa aming website: www.cfo.gov.ph o mag-iwan ng mensahe sa CFO FB page/messenger www.facebook.com/commissiononfilipinosoverseas o e-mail address info@cfo.gov.ph